|
Relationship at Relasyon. Magkaiba nga ba?
“Whenever you’re in conflict with someone, there is one factor that can make the difference between damaging your relationship and deepening it. That factor is attitude.” - William James Ang pahayag ni William James ay may kinalaman sa pakikipag-ugnayan na ang batayan ay ang kaugalian. Sinasabi na ang ugali ng isang tao ang siyang pangunahing basehan kung paano siya nakikitungo sa ibang tao at paano niya ito hahawakan. Relationship at Relasyon. Dalawang magkaibang salita ngunit isa lamang ang ibig sabihin. Ito ay tumutukoy sa ugnayan o koneksyon ng dalawa o higit pang tao. Ibig ipahiwatig ng pahayag na walang relasyong nabubuo sa isang tao lamang. Ano ‘yon, “Relationship Between Me?” Kailanman ay walang relasyon ang tao sa sarili nito. Maliban na lamang kung may ginagawa siyang napakahiwaga. Hahaha, ikaw ah. Ang kaibahan lamang ng dalawang salita ay kung paano ito i-pronounce, spelling at lenggwahe nito. Hindi naman sa namimilosopo, pero tama iyon. May ibang tao lang talaga na napaka-curious sa mga bagay-bagay o di kaya’y papansin lamang kapag pinag-uusapan ang relasyon. Well, di naman kami ganoon. Kaya lang napag-isipan na gumawa ng ganitong blog ay di dahil sa trip namin kundi sa kinakailangan talaga. At maaring kayo ay may matutunan dahil dito. Ang relasyon din ay ang nagbibigay ng dahilan kung paano tayo kagaling sa pakikisalamuha sa ibang tao. Yun nga lang, tayo ang gumagawa ng mga paraan para doon. Hindi laging pag-ibig ang naiinvolve kapag binanggit ang salitang relasyon. Dahil kahit simpleng pagkakilala sa isang tao ay relasyon na ang tawag doon. Sana mapagtanto ng mga babasa nito na ang relasyon ay isang mahalagang bagay na kailangan din pagtuunan ng pansin. Narito ang mga sumusunod na pangunahing nating karelasyon: Ang Diyos: Ama, Anak at Espirito Santo Ang relasyong ito ang di-dapat mawalay sa lahat ng relasyon. Ito kasi ay mahalaga sapagkat sa Kanya tayo kumukuha ng lakas upang magawa natin ang mga dapat gawin at matamo ang nais matamo. Ngunit..Subalit..Datapwat, may mga Pilipino pa rin na sadyang nalilito kung sinong diyos ang kanilang sinasamba. Hindi yung mga diyos-mga diyosan tulad ng pera, alahas o kaya’y mga bagaynakinagigiliwan ng tao kundi ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo. Well, pare-parehas lang naman silang may papel na ginagampanan. Ang Diyos Ama na Siyang gumawa ng langit at lupa ang sinasabing pinakaDiyos. Syempre bago ipinanganak si Hesus ay nandyan na Siya. Siya rin ay di lamang naging Diyos sa atin, kundi naging isang Dakilang ama. Sa pagiging ama ay ipinadama Niya sa atin na hindi tayo nag-iisa. Sa pagdagok ng ating buhay, nariyan lamang Siya upang gumabay at umalalay. Kailanman ay di Niya tayo pababayaan. Ang Diyos Anak, kung ilalarawan ay isang mapagkumbaba na anak. Siya ay si Hesus na isinakripisyo ang buhay para sa kaligtasan nating lahat. Kaligtasan sa kasalanan. Batay sa mga istorya, naging mabait na taga-kwento at tagapayo si Hesus. Nangangaral Siya sa mga tao ukol sa magagandang asal. Nagpamalas din Siya ng mga tinatawag na “miracles” sa kanyang bayan di dahil sa gusto Niyang magpasikat kundi sa gusto Niyang makatulong. Itinuturing din si Hesus na kapatid o bilang Great Brother ng mga tao. Ang Diyos Espiritu Santo na ikatlo ang Siya lamang na gumagabay sa atin. Siya ang nagtatanglaw ng liwanag sa ating buhay. Inilalayo Niya tayo sa may mga masasamang hangarin sa atin. Ito ang nagsisilbing Guardian ng ating buhay. Ngunit.. Subalit.. Datapwat, alin man sa tatlo ay pantay-pantay ang amig pagtingin. Pare-parehas silang Diyos ng langit. Ika nga, iisa silang DIyos. Ang kanilang hangarin sa atin ay ang magkaroon ng maayos na buhay. Hindi rin natin masasabi na sa lahat ng oras ay magiging payapa ang ating kalagaya. Sila ang nagdedesisyon kung hanggang saan ang maabot natin. Pero, tayo rin ang gumagawa ng sarili nating buhay. Kaya dapat rin natin itong pangalagaan. Bilang isang Katoliko, kailangan din natin na pagtibayin ang pakikipagrelasyon natin sa Panginoon. Katulad namin, pagdadasal, pagsisimba at paggawa ng mabuti ang aming ginagawa para dito. Ang Pamilya: Magulang, Kapatid at Kamag-anak “A family that prays togethe, stays together”. Asus, luma na yan eh! Pero kahit gaano pa katagal ang pahayag na iyan, tatatak at tatatak sa ating isipan kung gaano kahalaga ang pagkabuklod-buklod ng isang pamilya. Ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak. Tinatawag natin silang myembro ng isang pamilya. Ang pamilyang Pilipino ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t-isa. Ang bawat myembro ay patuloy na ipinapanatili ang pagmamahal, kapayapaan at respeto sa tahanan. Ang AMA ang nagsisilbing “role model” para sa mga anak pagdating sa pagdidisiplina. Siya rin ang inaasahan sa pagpoprovide ng mga financial at social needs ng pamilya. Mailalarawan din ang isang ama bilang kasamahan, kaibigan, tagagabay at motivator para sa bawat myembro. Ang INA ay mayroong espesyal na ginagampanan sa tahanan. Siya ang in-charge sa pag-aasikaso sa bahay. Siya dapat ang best friend ng mga anak. Alam niya ang priorities ng kanilang tahanan at nagbubudget ng pera para sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga ANAK naman tulad ng kanilang mga magulang ay mayroon din papel na ginagampanan at mga responsibilidad na kailangan. Sila ang nagsisilbing “little parents” sa kanilang mga nakababatang kapatid kapag wala ang kanilang mga magulang. Ngunit.. Subalit.. Datapwat, ganito pa nga ba ang nangyayari sa mga pamilyang Pilipino ngayon? Ang ama na nga lang ba ang nagsisikap kumayod para mabuhay ang pamilya? Ang ina na nga lang ba ang nagsisilbing taga-budget ng mga gastusin sa bahay? Ito ang mga tanong na kailangang usisain ng bawat Pilipino. Ang ating mga kamag-anak ay di rin dapat balewalain. Kahit gaano man kalayo o kalapit ang inyong relasyon, di maaalis sa isipan nyo na KAPAMILYA nyo pa rin sila (hindi KAPUSO o KAPATID). Tandaan din na kapag wala sila ay wala ka sa mundong iyong kinagagalawan. Mahalin natin sila tulad ng pagmamahal sa mga magulang o kapatid. Ang Mga Kaibigan Siguro nga walang taong nauubusan ng kaibigan maliban na nga lang kung masyado talaga siyang ganid o hindi palakaibigan. HaHaHa, syempre sa lahat ng relasyon, imposibleng mawalay ang pagkakaibigan. Ang mga Pilipino talaga ay di lamang magaling sa pamilya, pati na rin sa kaibigan. Kung kami nga mga bestfriends at other friends ay itinuturing na namin na kapatid, kayo pa kaya? Ngunit.. Subalit.. Datapwat, hindi lahat ng kaibigan ay matapat at maasahan. Mayroon din namang nanloloko ng harap-harapan. Yung iba nga ay pinaplastik lamang ang pagkakaibigan. Ibig sabihin nito, nagpapakita siya ng kabutihan sa kaibigan pero alam niya sa puso’t isipan na ayaw niya sa taong ito. Ganito ba ang tamang paraan para magkaroon ng mga kaibigan? Sa paraan ng pagpapakitang tao? Syempre gusto ng tao na magkaroon siya ng kaibigan na totoo at hindi magiging pahamak sa kanya. Isang kaibigan na mamahalin siya anuman ang maging kahihinatnan nito. Syempre ipinapakilala namin sa inyo ang aming mga kaibigan. Ang aming tropa, CHUBACHUCHU. Di ba ang saya? Pangalan palang tunog kakaiba na. Well, nung third year pa ito nabuo. Nagsimula ito noong July 2, 2010. Halos isang taon na. Kundi mo lang alam, napakatatag ng aming samahan. Kahit nagkaroon ng maraming problema, nasosolve naman. Kaming CHUBACHUCHU ay sina JULES, TELLE, OLIVIA, CALVIN, PAULO, ALYSSA, JILLIAN, SHAIRA, JOANA, ARIANE AT DHES. Amin pang isinama sina KEZIAH, IAM, BERNARDINE, PATRICIA AT HARRIET. Napakasaya ng grupo. Subalit nawala ang isa. Si ARIANE ay lumipat ng eskwelahan. Di namin siya nakasama ngayong fourth year. Sobra nga namin siyang namiss eh. Kahit ganoon, ay di namin siya makakalimutan. Lalo na yung mga naging samahan namin na kasama siya. Napakasaya. Isa siya sa mga inspirasyon ng grupo. Kaya ARIANE D. REYES, kung nababasa mo lang ito, sana ay nasa maayos ka na kalagayan. Mahal na mahal ka namin at mag-iingat ka rin palagi ah. HaHaHa, ang CHUBACHUCHU, hindi papakabog. ^^ HaHaHa, syempre isasama ko rin ang PARS. Kahit bago ako sa kanila, astig naman ang aming samahan. Kahit dito sa tropa kong ito, walang iwanan basta’t sama-sama. HaHaHa, lahat kinakaya ng tropa. Masayang-masaya sa PARS. Kung kabilang ka sito, di ka makakaexperience ng kalungkutan. Sapagkat alam namin na ang kalungkutan ay isang bagay na napagdadaanan. Lilipas at lilipas din. Kami ay sina SAYMON, EMMAN, CARLO, JENS, JOMEL, ROBBY, WILLIAM, GEN HART, LEOMER, IAM, ARRA, EMERE, SZAB, ROMAINE, MARY, TRISHA, LIZA MAE , JESSICA, CATHLEEN, HARYET, CAREN, DAIN AT XTIAN. Ang dami no? The MORE, the MERRIER. XD Ano nga ba ang ginagawa ng isang kaibigan? Paano siya nagiging kaibigan sa isang tao? Sapat nasiguro ang mga tanong na iyan para sagutin at malaman kung ano ang isang tunay na kaibigan. Ang Iba Pang Kakilala Sa grupong ito, pumapasok ang mga taong naging parte na rin ng ating everyday lives. Kahit papaano ay kaibigan ang turing natin sa kanila. Pero naiiba talaga sila. Yung tipong katulong mo na. Hindi sa minamaliit sila kundi napakahusay kung sila’y ting nan. Binibigyan nila ang ating buhay ng kahit papaano ay kaunting kasaganahan. Maaari sila ang mga tao na may propesyon sa buhay. Kaya isa silang malaking tulong sa atin. Narito ang naging mga kaakbay namin sa PAARALAN. Una, ang aming pinakamamahal na adviser, MR. ALEX E. MACAILING, na tumayong ama sa amin sa Paaralan. Hindi niya nga pala kami pinapabayaan. Kahit na sobra kaming pasaway sa classroom ay hindi parin nauubos ang kanyang pasensya. Isa rin siyang maaalahanin na adviser. Wala siyang ibang hangad kundi maging maayos kami. Ikalawa, ang iba pa naming guro na nagpakita ng walang sawang suporta pagdating sa aming pag-aaral ngayong kami ay nasa huli na naming taon sa high school. Sila ay sina Mrs. Rowena Lazaro (AP), Mr. Sabareza (PE, HEALTH), Ms. Mislang (TLE), Mr. Malacad (SCIENCE), Mr. Ludovice (ARTS), Ms Manuel (COMPUTER), Mr. Carascal (MUSIC), Ms. Abad (RESEARCH), Ms. Ariles at Ms. Taga-an (ENGLISH) at Mr. Amparado (FILIPINO). Ikatlo, ang ibang personnels at staff ng school tulad ng mga namamahala sa canteen, library, at iba pa. Pati na rin sila Kuya Ding. Kasama na rin ang aming principal-directress na si Sr. Sally at ang iba pa niyang mga kasamahan. Narito naman ang mga kapitbahay ko na tumutulong sa akin. (FAMILY NAME LANG) - ORTEGA FAMILY - ALMAZAN FAMILY - PERLAWAN FAMILY - SANGGALANG FAMILY - Si ATE LYDIA at ang pamilya niya. Sa buhay ng tao, napakahalaga talaga ng isang RELASYON. Kung kaya’t habang nabubuhay pa tayo, matuto tayong PAHALAGAHAN ang isa’t isa. Mahalin at unawin. Respetuhin at magtulungan. Dahil di natin alam kung hanggang saan lang tayo. Hanggang sa muli, PAALAM ! J
ISANG PAGBABALIK TANAW.
Kung ang mga Pilipino ay iba kung kumilos sa iba pang grupo ng tao, ito ay dahil sa kaibahan ng kanilang kultura. Ang pag-uugali ang kinukundisyon ng kultura. Kabilang dito sa tinatawag na kultura ay ang mga paniniwala, kaalaman, katangian, batas, sining, mga kagamitan, ang pakikipag-ugnayan at iba pa na may kinalaman sa ating social life. Bilang Pilipino, ating ipinapamahagi ang ating mga naging habits na nadedeveloped na wala namang dahilan. Ang pagbati o pag-ngiti kung may makikilala tayong isang kaibigan ang ilang halimbawa ng mga habits na iyon. Ang kaalaman sa ating mga katangian, mapaninanais o hindi, ito ay magdadala sa atin sa magandang pag-uunawa kung sino at ano tayong mga Pilipino. Ang mga katangiang ito ay namana natin sa dalawang tanyag na sibilisasyon. Ang Oriental at Western. Malaysia, China, Japan at iba pa ang kabilang sa mga bansang Oriental. Samantala, ang Spain at Amerika kabilang sa Western. Anu-ano ba ang mga katangian na ito? Ang paggalang sa mga nakakatanda at sa kung sinuman ang isa sa mga ito. Ito ay isang mahalagang katangian dahil naipapakita natin kung gaano karespeto ang mga Pilipino. Dito, pumapasok din ang pag-ibig, di lamang sa pamilya kundi sa kapwa. Ang isang pamilyang Pilipino ay nagkakaisa. Inaalagaan nila ang isa’t isa. Sinusuportahan nila ang bawat isa kung anuman ang gagawin nito na makakabuti para sa lahat. Ang mga Pilipino ay palakaibigan din. Hindi sila gumagawa ng mga bagay na makakasakit sa ibang tao, bagkus ay itinatrato nila ito bilang isang kaibigan. Ang mga Orientals ay sikat pagdating sa mga bagay na ito. Naimpluwensyahan din tayo ng mga foreign countries. Una ang Spain, sumunod ang America. Di naglaon ay nakuha rin natin ang ilan sa kanilang katangian. Mula sa Spain, nakuha natin ang pagiging isang Kristyano. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pwersa ng Katoliko sa social life ng Pilipinas. Naisama rin ang makulay at mabuhay na kultura ng Latin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Piliipino ay bihasa rin sa musika at sining. Sa mga Amerikano naman ay nakukuha natin ang pagiging praktikal. Sila rin ang namahala kung paano tayo magkakaroon ng isang magandang pamahalaaan na aalalay sa atin. Datapwat, nabubuhay din tayo sa ilang di kagandahang mga katangian. Isa sa mga ito ay ang pagiging tamad. Lahat ng Pilipino ay dumadaan sa panahon ng pagiging tamad. Kahit gaano pa sila kasipag, di pa rin maaalis ang pagiging tamad. Ang pagkahilig sa mga laro na may pustahan ay kabilang na rin dito. Ang gambling o kaya pagpupusta sa labanan man ng kabayo o tandang ay kasama. Nadedeveloped sa atin ang colonial mentality. Napagtagumpayan man ng ibang bansa na lagyan ng kanilang mga katangian ang katangian ng mga Pilipino ay wala pa rin naman magbabago. Kung tayo man noon ay nasakop, walang magbabago. Kung pinahirapan tayo noon, walang magbabago. Mahirap, mayaman, maganda, payat, mataba at kahit ano pa iyan ay walang magbabago. Walang magbabago, sa personalidad ng mga PILIPINO. |
home archive themes |